ISANG KAHONG BEER

                                           ISANG KAHONG BEER


        Masarap ang aming kuentuhan nang bigla na lamang kaming magulantang sa  malakas na sigawan. Nuong una, di namin pinapansin pero ang sigawan ay palakas ng palakas. Boses ng dalawang babaeng nag-aaway.

        Tumayo kaming tatlo  at dumungaw sa barandilya. Mataas ang bahay ni lucy kaya di rin namin nakita kung sino ang kaaway ni Merlinda  at padami ng padami ang taoong nanunuod na akala mo ba e nanunuod ng sineng bakbakan.

        Si Merlinda ay umuupa ng kuarto sa kapitbahay, asawa siya ni choi na may tatlong taon na ngayong nakakulong dahil sa pagnanakaw ng isang kahong beer.

        Tatlong taong pagkabilango para sa isang kahong beer

        Hinde lamang pagkabilango ang ibinayad ni Choi sa tatlong kahong beer na iyun, ibinayad rin niya ang kanyang pamilya  - Ang kanyang asawang si Merlinda ay  kasalukuyang girlfriend ni James na isang laborer.

        Kung ano ano na lang ang pinapasok na trabaho ni Merlinda, mapakain lamang ang tatlong anak niya. Minsan tumatangap siya ng  labada, minsan naman ay  nag re repack ng uling para sa isang tindahan. Tatlo ang anak nila ni Choi at mga nasa elementary pa. 

        Naglalaro sa isip ko, ano kaya ang magiging kinabukasan ng mga anak nila?



Followers