AKO AY NATUTUWA
MARAMI ANG NAKAKABASA
NITONG AKING MAHABANG TULA
AKO AY NALULUNGKOT
HINDE NILA NAKIKITA
ANG GUSTO KONG IPAABOT
ANG AMING PAGDATING
Buti na lamang kami ay nakumbida
Mayamang anak nitong aking kuya
Palibhasa;y matalino, agad na umasenso
Abogadong de kampanilya na tawag sa kanya
Masuerte nga itong aking pamangkin
Mabait,Mestisa at anak ng isang may kaya
Ang napangasawa niya
Sa isang subdivision sa Maynila sila nakatira
Sa airport kami ay sinundo
Ng kotseng ‘mercedes’ ang tawag nila
Driver na de uniporme ay nag-iisa
Busy daw ang mga amo niya
Habang daan kami ay linga ng Linga
Palibhasa’y ngayon lamang napunta
Di ko akalaing ganito pala
Kayganda ng Maynila
Sa Subdibisyon kami ay pumasok na
Kay lalake ng mga bahay nila
Ngunit kalyeng dinaanan walang taong nakita
Nakakulong ba sila sa mga palasyo nila?
Pagkatapos
ng yakapan at ng kumustahan
Kami ay dinala sa kuartong pagpapahingahan
Walang masabe sa ganda at de aircon pa
Isang lingo daw kaming magbubuhay reyna
Ako ay nagpapasalamat at itong pamangkin
Kahit iba na ang mundo, ugali ay di nagbago
Sa probinsiya panay pa rin ang padala
Imported na de lata at kung ano ano pa

Kinabukasan,
manugang ay nakipagkuentuhan
‘Inang, Tiyang, akoy may ipapakita’
Binuksan ang cabinet na punong puno ng damit
‘Lahat ng ito’y dadalhin ninyo’
‘Magaganda pa at bago pa ang mga ito’
‘ngunit ayaw ng isuot ng apo ninyo’
Sinilid sa kahon lahat ng pabaon
Meron pang pera, sabon, Lotion at kung ano ano pa
Tunay nga kami’y nagging Masaya
Bakasyun namin dito sa Maynila
Sagana sa pagkain, damit, pasyal, at iba-iba pa
Tunay ngang mabait ang mag-asawa
SA AMING PAG-UWI
Hatid ng kotse sa pier kami ay papunta na
Paglabas ng subdibisyon, driver ay nagsalita
‘shortcut po itong ating dadaanan
Pagkat traffic ay ating iiwasan’
Sa maliit na lansangan kami’y napadaan
Aking nakita, mga batang naghahagikhikan
Nasaan ang mga magulang, saan sila nakatira?
Bakit sila nakayapak at mga nakahubad pa>
Umaambon na at kay liliit pa nila
Baka masagasaan, wala bang nag-aalala?
Sa probinsiya, mga batang gala
Inu-usisa at hinahatid sa mga bahay nila
Sa squatters area daw sila nakatira
Nagtitinda raw ng kangkong mga magulang nila
Akoy’s napatingin sa kankungan na tinuro niya
At nakita ko sila man na magulang, saplot ay gutay gutay na
Papanong makabile ng damit para sa musmos na anak
Kung sila na magulang
Basahan ang panangalang
Sa tindi ng araw at buhos ng ulan?

Muling naisip mga damit na dala-dala
Sa cabinet nakatago, matagal napala
Ano’t kailangang sa kamag-anak pa mapunta
Kung itong kapitbahay ay nakahubad na?
Kotseng sinasakyan agad pinapara
Sa driver ay nakipagtalo pa
‘Huwag po, huwag po’ ang sabe niya
Kung magbigay kayo ay pa isa-isa’
‘Kung dadamihan ninyo ay ipagbibile nila
Sa used clothing store lamang itoy’y mapupunta
At huwag kayong lalapit na walang kasama
Baka kayo maholdap o manakawan pa’
Binigyan ng t-shirt, damit at iba pa
Tinangap ng nakangiti
Ngunit halatang nahihiya
Maraming salamat po! ang sabe nila
Ang bigat sa puso nitong aking nakita
Bagama’t silang mga squatters ay masasaya
Ngunit alam ko, Pagdating ko ng probinsiya
Masayang Bakasyun lang ang aking maaalala