OBSERBASYUN
Makulimlim na naman ang
panahon. Tumingala ako sa langit at nakita ko madilim ang ulap, para itong buntis
na nasa delivery room na ilang sandali na lang ay manganganak na..
Dumungaw ako sa barandilya at
nakita ko sina Aling Mely at Aling inday Tasan. Mga nakaupo sa harap ng
tindahan ni Aling Aning, karga karga ang
mga apong sumususo pa.
Di ko marinig kuentuhan nila
pero nababanaag ko sa mga muestra ng mga kamay at nguso ng mga labi na merong
nakagalit si inday at naaaliw naman si aling Mely dahil ito ay ngumingiti at
paminsan at humahagalpak pa ng tawa. Tawang hangang sa kinalalagyan ko ay
nakakarating. Sa sarap ng kanilang bidahan, di nila napapansin na ang mga kamay
ng mga apong hawak ay nasa mga panindang isda na.
Naisip ko na mapapalo na
naman ang mga musmos na ito. Hinde nila alam na mortal na kasalanan na ang
ginawa nila.
Sa may
di kalayuan, nakita ko si Dandan, si Dodo, si Macmac, si Professor Jojo, at may dalawang hinde ko kilala.
Pangkaraniwan na itong mga ganitong eksena sa aming lugar; Mga lalaking maaga
pa lang may hawak nang baso at baraha.
Maya maya nakita kong dumaan
si Mommy Inday sa silong namin. Lola siya ni Macmac at nanay naman ni Professor
Jojo.
Araw araw lumalabas ng bahay
si Mommy Inday. Madalas nadadaanan niya akong nakadungaw sa bintana. Pag
tinanong ko kung saan siya pupunta, lagging ang sagot niya ay ‘maghahanap ng
pera’.
Isang real estate broker si
Mommy inday kaya tama nga namang maglalalabas siya dahil ang ahente raw na di
lumalabas ng bahay ay di nakakabenta. May isang dahilan pa kung bakit siya
laging lumalabas, napakainit daw sa loob ng bahay nila, wala kasing kisame ang
bubong nila.
Nag-obserba ako kung ano ang
magiging reaksyon niya sa makikitang anak at apo na umaga pa ay nasa umpukan na.
Nang matapat siya sa umpukan, saglit na sinulyapan at dumeretso na ng lakad.
Ang mga naguumpukan din naman ay sumulyap lang din saglit sa kanya. Walang
namagitan na batian. Siguro tangap na ni Mommy Inday ang ganung araw araw na
eksena
Kasunod niyang lumabas ang
kapatid niyang si Boy, isa siyang adjuster. Tuwing merong nadidisgrasyang auto,
tinatawag siya upang siyang magkarkula ng damyos. Sa bawat maayos na kaso,
kumikita siya. Marami din siguro ang nadidisgrasya dahil napag aral niya ng
nursing ang asawa at nasa probadong eskuelahan din ang 2 anak niya.
/